Pangako ko, sa’yo hindi magbabago
Puso ko’y para sa’yo lamang sinta
Magpakailan man ikaw ang aking buhay
Aking mamahalin at sasambahin.
Pangako ko, pag-ibig ay hindi maglalaho
Kahit sa hirap at ginhawa aking mahal
Ikaw at ako ang lagging magkasama
Mahal ko huwag ka mangamba.
Pangako ko, kahit bagyo ating kakayanin
Hanggang puuti na ang ating buhok
Ikaw lamang ang aking mamahalin
Magpakailanman ako’y tapat sa’yo
Hinding-hindi kita iiwan…Pangako…
Dreamer’78
13april2003
No comments:
Post a Comment